flash

Monday, December 30, 2013

One Shot #4: My Heart Belongs To You [Christmas Project 2013]

  •  My Heart Belongs To You 
  • by:  Romelyn R. Itong
  • All rights reserved to Author and RYPH FC
  • Nasa park ako noon at pinapanood ang mga magkasintahan na masayang namamasyal.

    Tuwing ganitong araw maghapon lang ako dito sa park na ito.
     
  • Dati, isa rin kami sa magkasintahan na masayang namamasyal dito pero iniwan niya ako.

    Hindi na nya kinayang lumaban. Iniwan na niya ako ng tuluyan.



    Ngayon nga pala ang 3rd death anniversary niya.


    Simula noong nawala siya ay hindi na muli akong pumasok sa isang relasyon. Dahil kahit kailan ay hindi siya nawala sa rito sa puso ko. Nagmistulan na nga akong patay dahil hindi daw ako marunong ngumiti, tuma-tawa o magpakita ng ibang emosyon.



    Akala ko nga ay hindi na ako muling makakaramdam ng saya pero nagkamali ako. Dahil simula noong nakilala ko sya ay nagbago ang lahat.






    Kasalukuyan akong kumukuha ng litrato sa park at di sinasadyang mahagip ng aking camera ang isang babae.



    Tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha sa camera at doon ko napagtanto na kahawig nga nya si Yuriko, ang aking namayapang nobya. Ang matamis nyang ngiti, ang kanyang mga kulay asul na mga mata at ang kanyang mapupulang labi ay katulad-katulad ng kay Yuriko.



    Agad ko syang hinanap sa paligid ngunit hindi ko na sya nakita.



    Nakalipas ang ilang buwan ay hindi ko pa rin nalalaman kung sino nga ba ang babaeng iyon. Lagi akong bumabalik sa park kung saan ko siya nakuhanan ng litrato at nagbabakasakaling makita ko sya muli roon ngunit lagi akong umu-uwing bigo.



    Isang beses, pagkatapos kong pumunta sa park ay napag-desisyonan kong dumaan sa restaurant na malapit doon.




    Naupo ako sa isang upuan doon at nag-simulang tumingin sa menu. May isang waitress na lumapit sa akin.


    "May I take your order sir?" tanong ng waitress sa akin.


    Ibinaba ko na ang menu na nakaharang sa mukha ko at laking gulat ko na ang babaeng kaharap ko ay ang babaeng matagal ko ng hinahanap.



    Kinuha ko na ang oportunidad na iyon upang makilala ko sya ng personal. Napag-alaman ko na ang pangalan pala niya ay Romelyn Rondina.



    Simula noon ay lagi ko na siyang niyayang lumabas,manood ng sine at mamasyal upang mas makilala ko pa siya ng mabuti. Hindi lang pala sila,sa mukha nagkakapareho kundi pati sa ugali, pareho silang malambing, mabait, matulungin, mahiyain at masayahin. Tuwing nakakasama ko siya ay lagi kong naaalala sa kanya si Yuriko.



    Hindi ko alam kung mahal ko na nga ba sya o hindi basta ang alam ko ay masaya ako pag kasama ko sya pero kahit ganun pa man ay niligawan ko pa rin siya.



    Nirentahan ko pa nga yung buong restaurant kung saan ko sya unang nakausap at doon ko na sya tinanong kung pwede ko nga ba syang maging girlfriend. Parang lumundag ang puso ko nung narinig ko mula sa kanyang labi ang mga salitang "Yes, Ryosuke."





    Habang lumilipas ang bawat araw ay lagi ko na lang napapansin na nawawalan na sya ng oras sa akin. Napapansin ko rin na nangangayayat sya at nanghihina. Lagi kong tinatanong sa kanya kung may sakit ba sya o kung ayos ka lang pero ang lagi niya lamang sagot ay "Ayos lang ako at wala akong sakit pagod lang siguro ako." Kaya wala na kong magawa kundi ang maniwala na lamang sa kanya.




    Isang araw ay niyaya niya akong sumama sa kanya. Akala ko kung saan na kami pupunta yun pala ay sa park kung saan ko siya nakunan ng litrato.




    Naupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno. Masasabi kong iyon ang pinakamagandang pwesto sa park dahil doon mo makikita ang kabuuan ng park, ang fountain, ang mga bulaklak at ang play ground.


    Pagkatapos namin maupo ay agad na siyang nagsalita.















    "Alam mo ba na dito sa park na 'to una kitang nakita at na-love at first sight sayo?" sabi niya habang nakatingin sa langit.



















    "Una kitang nakita, tatlong taon ang nakakalipas simula noong kinuhanan mo ako ng litrato. Kaparehong araw nga rin ehh, yung mukha mo nga noon ay parang kakatigil mo lang sa pag-iyak. Gusto sana kitang lapitan at bigyan ng panyo kaso sa tingin ko ay kailangan mong mapag-isa kaya hinayaan na lang kita." pagtutuloy nya sa kanyang sinabi kanina.











    Hinayaan ko na lamang siyang magsalita at nakinig ng mabuti.

















    "Basta ito ang tandaan mo Ryo kahit anong mangyari, mawala man ako sa tabi mo habangbuhay ka naman dito sa puso ko." sabi nya habang nakaturo ang kanyang daliri sa dibdib niya.
  • Simula noong mangyari iyon ay lagi na lamang siyang nagsasalita ng kung anu-ano at parang nagpapaalam na. Mas nabawasan na rin ang anyang oras para sa akin at minsan sa isang linggo lamang kami magkita.















    Nung pasko ay niyaya ko siya sa bahay upang ipakita ang portfolio ng mga stolen pictures ko sa kanya, isa na dun ay yung nasa park at yung iba naman ay tuwing may date kami.















    Ipinakita ko sa kanya ang portfolio at iniwan syang nakaupo sa sofa sa sala at pumunta naman ako sa kusina upang kumuha ng makakain. Yung binili kong cake para sa noche buena kagabi ay hindi ko nakain kaya ayun nalaman ang minabjti kong ilabas. Nang bumalik ako ay nakita ko syang papalabas na ng pinto. Agad ko syang hinabol at kinausap.















    "Aalis ka na kaagad? Akala ko ba sabi mo tayo ang magkasama buong pasko? Hindi mo ba nagustuhan yung portfolio?" tanong ko sa kanya habang nakahawak ang isa kong kamay sa braso nya. Agad nya naman itong tinabig.















    "Tatanungin kita Ryosuke. Minahal mo ba talaga ako dahil ako si Romelyn o dahil kamukha ko si Yuriko?" tanong nya sakin habang may nangingilid na luha sa kanyang mga mata.













    Agad kong binaling ang tingin ko sa sala na hindi nalalayo sa kinatarayuan namin at doon ko nakita ang nakabukas na scrapbook. Ang huling birthday gift niya sa akin bago sya namatay. Sa pagkakatanda ko ay sa ilalim ng center table ko iyon inilagay.















    Agad naman akong humarap sa kanya.









    "Mali ka ng iniisip. Siguro noong una naging interesado ako sayo dahil kamukha mo sya pero~" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil agad naman siyang nagsalita.













    "Ok na. Tama na sakin ang narinig ko." sabi niya habang may tumutulong luha sa kanyang mga pisngi. Tumalikod na siya at naglakad papalayo ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay bigla na lamang siyang nahimatay.

















    Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad siyang binuhat. Sinakay ko siya sa aking kotse at mabilis na dinala sa pinakamalapit na ospital.

















    Nagulat ako sa sinabi ng doktor na si Romelyn ay may sakit sa puso, may maliit na butas sa kanyang puso. Hindi na ito kayang mapagaling ng mga gamot. Ang tanging paraan lamang upang humaba ang kanyang buhay ay Heart Transplant.

















  • Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang aking mga magulang at ilang mga katrabaho. Hinanap ko si Ryosuke sa loob ng aking kwarto ngunit hindi ko siya nakita. Siguro nga hindi nya talaga ako mahal.















    Nang napansin nilang gising na ako ay dali-dali silang nagkumpulan sa gilid ng aking kama. Nakangiti silang lahat ngunit ang ngiting iyon ay hindi nagpapakita ng pagkagalak at saya, isa itong malungkot na ngiti.















    May iniabot naman ang aking nanay na isang nakatuping papel, isang sulat. Agad ko naman itong binuksan.



















    Dear Romelyn,





    Pasensya na kung sa muling pagmulat ng mga mata mo ay hindi mo ako nakita sa loob ng iyong kwarto. Pasensya na rin kung hindi kita nabantayan habang isinasagawa ang iyong operasyon.









    Lilinawin ko lang na hindi kita minahal dahil kamukha mo sya. Minahal kita dahil ikaw si Romelyn.











    Alam mo ba na noong araw na una mo akong nakita sa park ay ang huling araw na nakasama ko si Yuriko. Ang araw na iyon ang pinakamalungkot at pinakamasakit na araw para sa akin. Namatay sya dahil sa brain tumor. Wala akong nagawa para mapahaba ang buhay nya. Sa loob ng tatlong taon naging miserable ang buhay ko pero nung nakilala kita muling nagkakulay ang mundo ko.















    Siguro naman sa ginawa ko ngayon maniniwala kana na MY HEART BELONGS TO YOU.















    Masaya na ako ngayon dahil this time may nagawa na ako para matulungan ang mahal ko. Sana habang nabubuhay ka ay huwag kang gumaya sa akin na ginawang miserable ang buhay. Ang gusto ko ay ang mabuhay kang masaya. I-enjoy mo ang bawat araw na kasama mo ang mga taong nagmamahal sayo.















    Ganyan talaga ang buhay, parang Intersecting Lines. Sa umpisa ay malayo kayo sa isa't-isa hanggang sa may POINT sa buhay nyo na mag-mi-MEET kayo at pagkatapos nun ay magiging malayo ulit kayo sa isa't-isa. In short, sa buhay may mga taong dadating at aalis na mag-iiwan ng marka sa puso mo at syempre 'Nothing is permanent in this world'. Sana habang nabubuhay ka ay matuto kang pakawalan ako at buksan ang iyong puso para sa iba na mas karapat-dapat kaysa sakin at yung tipong hindi ka sasaktan.













    Pasensya na kung ito yung Christnas Gift ko ha. Ingatan mo ang PUSO ko ha. Sana tuparin mo ang hiling ko na mabuhay ng masaya.











    Paalam.













    Nagmamahal,

    Ryosuke Yamada




    Tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigil at tuluyan ng napahagulgol. Agad naman akong niyakap ng aking mga magulang at katrabaho. Marahil ay alam na nila ang tungkol dito.
 END~

Name: Romelyn R. Itong
Project: One shot story
Msg: This is my first year of being a tobikko More years with Jump!

My Heart Belongs To You



No comments:

Post a Comment