Title: How it Change
by: Marielle Estrella
All Rights Reserved to the author and to RYPH FC
At first di talaga ako naniniwala sa love.
Para lang sa mga
hopeless romantic yun. Para sakin love is a selfish word. Yung palagi na
lang sarili mo yung iniisip mo. Yung iba nga gagawin ang lahat kahit na
masaktan pa nila ang iba para lang sa love na yan. May nabasa ako dati
na kapag daw nag asawa ka ulet at pagnamatay ka, sino yung asawa mo sa
heaven. Ang sagot niya, ang love hanggang sa lupa lang yan. Therefore I
conclude, walang forever sa love.
Alam kong sasabihin niyo na
naranasan ko nang maging broken hearted kaya ko nasasabi to. Honestly, I
never had a boyfriend. Choosy kasi at saka di naman totoo ang love.
Nakita ko din kasi sa parents ko na walang love na nag-eexist sa kanila.
Puro na lang sarili nila yung iniisip nila especially si papa. Ang love
ay parang LUST. Love makes you greedy and selfish. Yun ang paniniwala
ko. Pero di ko alam, magbabago ang paniniwala kung yun.
First
day of school in my last year in high school, dun ko siya nakilala. He’s
everyones favorite. It’s like he’s the sun that brightens the mood even
when something bad happened. Nagsimula yun lahat when we had our seat
plan arranged thru draw lots. I was happy coz nasa 2nd to the last yung
seat ko at malapit sa window. Di lang dahil mostly na main characters
sa anime ay dun mostly naka upo, gusto ko din dun kasi di masyado
maingay at pwede akong matulog na hindi nakikita ng teacher. Nung
nakapunta na ako sa upuan ko, nilagay ko agad yung dalawang kamay ko sa
table at yumuko upang makatulog. Di ko pinansin yung taong nasa tabi ko
kasi alam kong ayaw niyang katabi ako. Kilala kasi akong weird.
May
naramdaman akong may kumalabit sakin. Di ko pinansin kasi baka
guni-guni ko lang yun. Ayan naman. Nakakarami na siya ha. Unti-unti kong
inangat ang ulo ko at nakita kung sino yung bwisit na kumakalabit
sakin. Binigyan ko siya ng anong-kailangan-mo look ko at ngumiti lang
siya. Weird.
“Hello! I’m Yamada Ryousuke. Looking forward to be
your seatmate for the whole year.” With matching killer smile.
NAKAKASILAW TALAGA PRAMIS yumuko na lang ako ulet para makarecover sa
PAGKATUNAW ko sa smile niya. kinalabit na naman niya ako. Nakakarami na
siya ha. Ang sarap sapakin. “ano na naman ba?” tanong ko. “pwede ba
tayong maging friends?” sabi niya friends daw. Di ko alam mahilig din
pala siyang magjoke. Lakas ng trip niya ha. “alam mo, kung wala kang
magawang matino, matulog ka na lang. sigurado pa akong tatangkad ka.”
Sagot ko sa kanya at saka bumalik sa puwesto ko. Buti naman at di na
siya nangulit ulit.
Yun ang akala ko. The next day, sinabi ng
teacher namin sa Trigonometry na magkakaroon kami ng seatwork at by
pair. Well, sanay naman akong mag individual work. Kahit nga trio o by
five, kaya ko yung gawing mag-isa. Pero yung katabi kong makulit walang
pair. Paki ko sakanya. Pero kinalabit na naman niya ako at nag puppy
eyes. Seryoso, lalaki ba to? Parang aso mag pacute. “pwede pair na
lang tayo?” tanong niya “erm……..ayo-“ “sige na pls…mahina ako sa trigo
e….pls..” with matching puppy eyes ulet. Pasalamat siya at kamukha niya
yung puppy kong si Poku kung magmaka awa. At yun na, pumayag na ako
maging pair niya. at hanggang sa naulit yun ulit. Paulit ulit?? May
napapansin na ko sa lalaking to ha. Ba’t palaging ako yung gusto niya na
maging ka-grupo o ka-pair kahit na madami naman na gusto maging ka pair
niya? Alam kong naaawa lang yun sakin pero kahit sinasabihan ko na siya
na huwag na, mapilit pa din. Nahiya na siguro yung bato sa katigasan ng
ulo niya. pero infairness, mabait siya. Akala ko dati nung di pa kami
seatmates, super yabang niya. Well, kahit maging mayabang siya, may
ibubuga naman, maliban sa Math.hahahaha as time goes by, mas nakilala ko
siya at ganun din ako sa kanya. He’s helping me tulad ng minsang nag
ask ng favor ng teacher naming na kunin ang mga notebooks namin from the
faculty room, nag offer siya na tulungan niya ako. Pero it end up na
siya nagdala ng lahat. Sabi niya “ ang mga babae, di dapat pinagbubuhat
ng mabigat”. Then bumilis ang heartbeat ko. Weird. Ba’t ganun.
Kinakabahan ako na parang ewan na parang aatakihin ako sa puso. Try ko
kaya magpatingin sa doctor, baka delikado na to. Papalapit pa naman ang
pasko.
Speaking of pasko, regaluhan ko kaya siya. Hmm…..ano
kaya? Alam ko na! mag-knit na lang kaya ako ng scarf. Madali lang yun at
saka mas matipid. Kuripot e. pero paano ko ‘to ibibigay sa kanya?
Bahala na ah.
Times flies so fast at di namalayan na malapit na
ang CHRISTMAS BREAK! Natapos ko na din yung red scarf para sa kanya.
sana magustuhan niya. Pag linait niya talaga ang gawa ko, sasakalin ko
talaga yun. last day na ng class naming for December at di ko pa talaga
alam kung pano ko yun ibibigay. Yayain ko kaya siya at ibigay ko yung
gift ko sa kanya that day? Yun! Tama… “ummm….pwede ka ba sa December
24?” sabay naming sinabi tumawa naman kami agad. “oo. Ikaw?” tanong
niya “oo din. Bakit mo pala tinatanong?” “basta. Kaw naman?” “basta din.
Sa 24 mo na lang malalaman”
At nagkasundo kaming magkikita sa
Ebisu Garden around 8pm. Medyo natraffic pa ako sa sobrang dami ng last
minute shoppers. Sana andun pa siya. 8:49 na nung dumating ako. Nagulat
ako ng nakita ko pa siya. nagmamadali akong pumunta kung nasaan man
siya. “sorry! Late ako! Sorry talaga” habang papunta sa kanya. nang
biglang akong nadapa .*plak*. Nakipag beso pa sakin ang malamig na
semento. Ouch talaga at nakakahiya. akala ko tatawanan niya lang ako
pero dali-dali siyang pumunta sa akin. “okay ka lang ba? May masakit?
Dun muna tayo o” sabay turo sa may bench malapit lang. tinulungan niya
akong makatayo at maglakad papunta sa bench. “ sure ka bang okay ka
lang? mukhang hindi e.” “okay lang ako. Pasensya ka na at nalate ako.”
“okay lang yun. Medyo na late din ako ng dating. Akala ko baka umalis
ka na.” “HINDI AH!” pasigaw kong sagot “sorry. napalakas yung boses ko”
“hahahahahahahahaha! Kanina ka pa nag so-sorry. Baka sa sobrang dami
yayaman na ko sa sorry mo! Hahahaha” then ibinigay ko na sa kanya ang
knitted scarf na ginawa ko. “merry Christmas! Sana magustuhan mo” “Thank
you”with matching nakatutunaw na smile niya uli “anou……..may sasabihin
ako sa yo” panimula niya “hmmm….ano yun?” “ahmm………actually, I like
you…..no I love you” “eh??” yan lang ang nasabi ko. Ang puso ko ayan na
naman. Di ko alam ang sasabihin e. baka sinunggaling din to. Alam mo
naman. Manloloko. Pero tingnan na lang natin if anong gagawin niya sa
sasabihin ko. “Di ko alam ang sasabihin ko pero there’s something I have
to tell you. May mahal na akong iba. At di kita type.” Parang ang sama
naman ng sinabi ko. Well, normally magagalit yan sakin at sasabihing
*ahem* “pero ikaw ang mahal ko, wala ng iba. Di ba pwedeng ako na lang”
with matching teary eye. Mga manloloko. Gusto niya lang pagtripan ako.
Akala ko pa naman iba siya. “kung di mo man ako mahal, tatanggapin ko
yun.” nagulat ako sa sinabi niya. “pero gusto ko lang malaman, mahal
mo ba talaga siya?” naawa na ako sa kanya. Ayoko siyang makitang
nasasaktan “ahm…..actu-“ naputol yung sasabihin ko ng nagsalita na siya
agad “sige. Mauna na ako. May pupuntahan pa pala ako. See you next year”
at umalis na siya agad. nagsisisi ako at sinaktan ko siya. hahabulin ko
na sana siya ng nakita ko na may papadating na humaharurot na sasakyan
“Ryousuke ilag!” sabay tulak sa kanya *BEEEEEEP
Agad akong
tumilapon ng ilang metro mula sa lugar kung saan ako nabangga. Habang
dinadala ako sa ospital, may naririnig akong boses ng lalaking umiiyak.
Di ko masyado maintindihan pero ang sabi niya huwag daw ako bibitiw.
Nagising ako sa isang lugar na maraming ulap. At nakita ko ang taong matagal ko nang gusting Makita…..si Mama.
Nakatingin
lang siya sakin at mukhang malungkot. “anak, di lahat ng tao
pare-pareho. Matuto kang makalimot and I want you to move on.” umiiyak
ako bigla at tatakbo papunta sa kanya ng sinabi niyang “di pa ngayon ang
panahong magsasama tayo anak. May naghihintay pa sayo sa lupa.” At
bigla na lang siyang nawala
At nagising na ako sa isang puting
kwarto. Nakita ko na lang na may lalaking nakatulog malapit sa kama ko.
Si Ryousuke. Aaminin ko. Mahal ko na siya. pero natatakot ako. Baka
katulad din siya ng Papa ko na gagawin yun sa nanay ko. Naalala ko bigla
ang sinabi ng nanay ko….move on daw.
Biglang nagising si
Ryousuke at yinakap ako ng mahigpit “okay ka lang ba? May masakit?
Pinag-alala mo ko ng husto. Akala ko mawawala ka na”
“hahahahahahahaha!!!” ako naman ngayon ang tumatawa mukhang puzzled siya
kung bakit ako tumatawa “baka ako naman ang yayaman sa katatanong mo
sakin if okay na ako! hahahaha” at nag pout ang bata “huy…..di bagay
sayo. Mukha kang pffttt….hahahaha” “yan ba yung epekto sayo ng
pagkabundol? Di mo ba alam kung paano ako nag alala sayo?” tanong niya
sakin at naka pout pa din. Cute~ “akala ko mawawala ka na” “alam mo ba
kung bakit nandito pa ako?” seryoso kong sinabi sa kanya “dahil alam ko
na merong umiiyak dyan sa tabi at sinisisi ang sarili niya if namatay
ako.” “di ko pa naman nasabi sa kanya na……mahal ko siya” O___O nagulat
siya sa sinabi ko “ha? Pakiulit nga?” sabi niya “sabi ko…*sabay hawak sa
pisngi niya* mahal po kita, the feeling is MUTUAL” napangiti siya ng
sobrang lapad at nagtatalun-talon na parang bata
Ang pasko ay
ang araw na pinanganak si Jesus. Ito din ang araw kung kailan nagbago
ang pananaw ko. Na ang kasabihang “History repeats itself” is not
applicable sa ating lahat. At ang Love ay hindi tungkol sa lust or
pagiging selfish, dahil ang love ang makakapagawa sayo ng bagay na akala
mo di mo magagawa, kaya mo naman pala and it makes you selfless not
selfish.
End~
Name: Marielle Estrella
Message: Happy Holidays Jump! Thank you for inspiring us and making us smile. Please take care of yourselves especially your voices. Always remember that we, fans will always be on your side supporting all of you.
Message: Happy Holidays Jump! Thank you for inspiring us and making us smile. Please take care of yourselves especially your voices. Always remember that we, fans will always be on your side supporting all of you.
No comments:
Post a Comment